
September 1st na, buwan na ng mga Ber.
Eto ang simula kung san makakarinig tayo ng himig pampasko.
Ano sa karamihan ang napasok sa isip pag Ber month na? madami ang excited sa pagdating ng Pasko at pagkuha ng mga bonuses, yung iba nagmamadali na magbakasyon o magplano sa paguwi sa kanilang mga mahal na pamilya, pero marami din nalulungkot sa pagdating ng Pasko dahil sa hindi nila kaya makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay dahil sa iba't ibang mga kadahilanan.
Iniisip nadin natin ang mga regalo sa mga inaanak,pamilya at mga mahal sa buhay,yung iba naghahanda na sa pagtatago dahil sa mga madaming inaanak o kamaganak na pupunta sa bahay upang mamasko. Kaya ngayon palang magsimula na kayo magipon at magtipid dahil siguradong gastos sa pagdating ng pasko.walang kasing saya pagkasama mo ang pamilya mo sa araw ng kapanganakan ng ating mahal na Panginoon, di baleng konte handa basta't magkakasama lang.Pero paano ba nating mapapadama ang tunay na simbolo ng pasko sa ating mga mahal sa buhay kahit na hindi nila kayo kapiling.Maging kontento ba tayo sa sulat, package o sa perang ipapadala lang sa kanila dahil sa hindi mo kaya sila makasama.Ipagdasal na lang natin na nasa mabuting kalagayan ang ating mga mahal sa buhay at maging masaya....
Anyway malayo pa ang pasko, madami pa araw na magdadaan para paghandaan at ma plano ang gusto mo gawin.
Eto pala ang birthstone ng September.
Peace!!

No comments:
Post a Comment